Choose your language >> American English Français Arabic Tagalog Canadian English Español 中文

Matuto ng Ingles mula sa mga ekspertong mga Canadian at Amerikanong guro

Kilalanin ang Koponan ng Englishlink

Ang Englishlink ay nilikha ng mga guro ng Ingles na mahilig magturo. Lahat kami ay naliligayahan sa aming mga taon sa silid aralan at nais naming ibahagi ang kaalaman namin sa iyo. Nakikipag-ugnayan kami sa mga tao at edukasyon - ano pa ang mas sasaya diyan! Inaasikaso ng Englishlink ang mga pangangailangan ng bawat estudyante. Hindi madali ang mag-aral ng bagong wika. Kailangan ikaw ay nagaganyak at magtrabaho nang husto. Habang kinukumpleto mo ang mga kurso sa sarili mong tulin, may suporta ka at pagpapalaks ng loob mula sa aming mga guro.

Enrol Now


Mga Guro

Lesley
Tagapamahala at guro

Si Lesley, na isang Canadian, ay may 4-na taon BA sa politika at anthropology mula sa University of Toronto, at isang Post-Graduate Diploma sa Edukasyon, mula sa University of Western Sydney, Australia. Mayroon din siyang Cambridge University Certificate of Teaching English to Adults (CELTA) at nagturo ng Ingles sa Canada, Korea, at Australia. Natutuwa siyang bumisita sa mga bagong bansa, magsanay sa yoga, at mag-aral ng Pranses at Espanyol.

Constance
Tagapamahala ng nilalaman at guro

Si Constance, na isang Amerikano, ay may BA sa Psychology mula sa The University of California, Santa Cruz at Sertipikong RSA mula sa Cambridge University External Examinations Syndicate. Mayroon siyang 10 taong karanasan sa pagtuturo sa United States, Mexico, Colombia at Australia. Dagdag pa rito, mayroon siyang 3 taon na karanasan sa industriyal na disenyo, paggawa ng nilalaman at pagsulat ng materyales para sa EFL. Natutuwa si Constance bumiyahe at ilakad ang kanyang aso.


Mga Editor ng Nilalaman

Gareth
Tagapagpayong akademiko at editor ng nilalaman

Si Gareth, isang British, ay may BA (Hons) na degree, isang University of Cambridge CTEFLA at Dip TEFLA. Mula noong 1993 nagtrabaho siya bilang guro, senior na guro, tagasulat ng syllabus at tigapagsanay-ng-guro sa UK, Greece, Italy, Bahrain, Australia at China. Si Gareth ay nagtrabaho sa pagsasanay-ng-guro at pagbubuo ng syllabus mula noong 2000. Sa labas ng silid ng pagsasanay, mahilig si Gareth sa paghahardin, pagkain sa labas, palakasan at mga pelikula.

Tom
Editor ng nilalaman

Si Tom, na isang Irish, ay nasa industriya ng TESOL nang labing-limang taon. Sa paahong iyon siya ay naging guro, tagapamahala, tagapagsanay-ng-guro at manunulat sa ilang mga bansa kasama na ang Spain, England at Japan. Sa kasalukuyan ay nakatira siya sa Brisbane kung saan siya ay tagapagsanay-ng-guro sa University of Queensland. Mahilig si Tom sa pagbibiyahe at pagbabasa.


Producer ng video at editor

Jamie
Video producer and editor

Si Jamie ay may Sertipiko at Diploma sa Multimedia. Mula nung magkaroon siya nito, tinugis niya ang karera bilang multimedia producer sa Sydney. Kaugnay din siya ng industriya ng Multimedia sa ibang mga paraan, pangunahin sa Flash animation at disenyo ng website. Sa kaniyang libreng oras, kinagigiliwan niyang magbasa, manood ng mga pelikula at lumabas.

Jared
Producer ng video at editor

Si Jared ay nagtatrabaho sa film at media nang 5 taon. Sa panahong ito, nagtrabaho siya bilang isang editor/videographer sa iba't-ibang mga video, maiikling pelikula at mga video clip ng musika. Kamakailan lang, lumipat si Jared sa pagsusulat, pagdidirekta at pagpo-produce ng maiikling pelikula at mga video ng musika. Kasama nitong lahat, siya ay isang may kasanayang, nagtatrabahong artista sa pelikula, telebisyon at entablado.

Sarah
Producer ng video at editor

Si Sarah ay nagtrabaho at nagsanay bilang isang multimedia producer sa Sydney at London at nagtatrabaho sa mga website sa korporasyon, balita at industriya ng entertainment. Sa kasalukuyan ay nakatira siya at nagtatrabaho sa London, kamakailan ay nagtrabaho sa BBC sa kanilang interactive na dibisyon. Sa libre niyang oras, nalulugod siya sa photography, musika, at scuba diving.

Brett
Producer ng video at editor

Si Bret ay may BA sa Television Production at Multimedia Design at Application. Sa nakaraang 6 na taon ay nagtatrabaho siya sa industriya ng pelikula at telebisyon at nakapagtrabaho sa mga programa ng telebisyon katulad ng Big Brother. Sa libre niyang oras, nalulugod si Brad na gumawa ng mga maiikling pelikula, tumugtog sa mga banda at mag-relaks habang nanonood ng de-kalidad na mga pelikula, ga games at literatura.


Mangguguhit

Nyree
Mangguguhit

Nag-aral si Nyree ng sining at edukasyon sa University of New South Wales at ngayon ay isang guro ng sining sa high school. Nagturo siya ng Ingles sa South Korea at bumiyahe sa maraming lugar sa mundo. Mahilig si Nyree sa pagpipinta, pag-aaran ng German, pagluluto at hiking.